199Four – Notre Dame of Greater Manila


Philippines Culinary Delights
June 12, 2008, 5:30 pm
Filed under: Announcements | Tags: , , ,

Mula ika-9 hanggang 22 ng Hunyo, tayo’y makidalo sa isang pagdiriwang na nagbibigay pugay sa tradisyonal at modernong pagkaing Pilipino sa Grand Copthorne Hotel.

Buffet Lunch
Adult $44.00
Child $22.00

Buffet Dinner
Adult $50.00 (Sun-Thu); $52.00 (Fri-Sat)
Child $25.00 (Sun-Thu); $26.00 (Fri-Sat)

Sunday Brunch
Adult $90.00 (Free flow of champagne, wine and beer)
Child $30.00

Para sa mga karagdagang impormasyon, i-download dito.



Kulinarya Food Festival

Kung kayo ay nasa Singapore, tiyak na ikaka-galak ninyo ang diskwento ng 7107 Flavours para sa kanilang ika-unang anibersaryo at pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Kulinarya Food Festival

June 9-13, 2008
@
7107 Flavours

Buffet Lunch: $24.90+
Buffet Dinner: $29.90+

Kayo pa ay may pagkakataong manalo ng libreng pagpunta sa Manila at 2 gabing akomodasyon sa Heritage Hotel.

Halina kayo’t makipagdiwang at makilahok.

I-download dito ang detalye.



Hanap-Hanapin
June 12, 2008, 10:05 am
Filed under: Games, Humor | Tags: , , , , ,

Maligayang Araw ng Kalayaan, kabayan!

Dahil ngayo’y ika-12 ng Hunyo, maglalatha ako ng mga sulatin ng blog na ito gamit ang ating inang-wika, ang Filipino.

Para panimulan ang araw na ito, ating bisitahin ang isang website na makakasira ng inyong isipan, gawaing pangkabuhayan, at pagkakaibigan.

Ito ang “50 Dark Movies, Hidden in a Painting“, o di kaya’y Limangpung Madidilim na Pelikula, Tinago sa Pintura.

Dito ay may isang pintura na may 50 na pelikulang kailangan hulaan ang pamagat sa pamamagitan ng pag-click sa mga larawang nagsisumbulo ng pelikulang iyon.

Bukod sa malawak na kaalaman sa mga pelikula, talasalitaan, timpalak-bigkasan at balitaktakan, ika’y dapat may kakaibang dunong sa mga bugtong dahil ang larong ito ay isang malaking palaisipan.

Subukan mo dito, kaibigan. Ang larong ito’y tunay na nakakahumaling